Kahit Sino » Sportscaster

Patricia Bermudez Hizon
Si Patricia Bermudez-Hizon ay isang kilalang tagapagbalita sa larangan ng palakasan, regular na host sa ilang kilalang palatuntunan sa telebisyon, at isa ring sikat na mamamahayag at manunulat, maging sa “online” na aspeto. Isa siya sa mga libo libong dahilan, kung bakit, Sikat Ang Pinoy, saan mang larangan.

Siya ang kauna unahang babaeng tagapagbalita sa radyo at telebisyon ng larong basketball dito sa Pilipinas. At magpasahanggang ngayon, siya lamang ang babaeng tagahatid ng balita sa radyo at telebisyon ukol sa mga pangyayari sa mga laro sa PBA. Una siyang nakita bilang courtside reporter ng PBA nuong taong 2003.

Makaraan ng isang season na pagbabalita at pamamahayag sa Radyo PBA, siya ay nabigyan ng oportunidad na maging ankor ng Philippine Basketball League nuong 2008 hanngang 2009, kung saan, siya ang naging kauna unahang babaing tagapagbalita sa nasabing liga sa historya ng telebisyon sa Pilipiunas. Siya rin ay ating nakita at narinig sa Fiba Asia Championships sa Solar Network – CS9 at Basketball TV.

Hanngang sa internet, ay atin siyang nakikita at nababasa ang kanyang mga kolum ukol sa mga larong pampalakasan. Siya ay aktibong gumagamit ng Twitter at palagiang nag susulat at nagbabalita sa pamamagitan ng kanyang blog at iba pang kolum.

Kinober rin ni Patricia Bermudez Hizon ang halos lahat ng laro sa Summer Olympic Games mula taong 2000, South East Asian Games, Asian Games at kanya ring sinubaybayan at ibinalita ang mga pangyayari sa Tour Pilipinas Multi Stage cycling events sa radyo at telebisyon.

Si Vince Hizon, na kanya ngayong asawa, ay nagpahayag sa kanya ng kagustuhang pakasalan ito sa basketball court, kung saan siya ay kasalukuyang nagkokober ng laro. Isa ito sa pinaka memorableng pangyayari sa kasaysayan ng PBA, na nasaksihan ng milyon milyong manonood at taga subaybay ng nasabing liga.

Nagsimula siya ng kanyang karera sa pamamahayag noong 1999 para sa istasyon na pagmamayari ng gobyerno, sa Philippine Television, at nag host ng ilang public affairs shows, nagkober rin ng ilang palabas na may kinalaman sa eleksyon. Siya rin ay nakita bilang host ng mga lifestyle shows at travel shows at mga dokyumentaryo para sa Lakbay TV, Isla Channel at Living Asia. Isa rin sa mga naging palabas niya sa telebisyon ay ang programang Venta 5 ng ABC.

Si Patricia Hizon ang nagtatag ng Everyday Is Your Birthday Foundation, at makailang beses na rin siyang nabigyan ng parangal at papuri sa kanyang mga aktibidad at organisasyong itinataguyod na naglalayong makatulong sa ating mga kababayan.

Si Patricia ay di maipagkakailang isa sa mga sikat na Pinoy na dapat bigyan ng rekognisyon sa kanyang mga gawain at aktibidad na nagbibigay tulong sa ating mga kababayan. Isa siya sa mga aktibong personalidad na masugid na tumutulong at sumusuporta sa mga proyektong pampalakasan, na naglalayong bigyan ng magandang buhay at malayo sa anumang bisyo ang mga kabataan.

Mabuhay ka Patricia!

Para sa karagdagang detalye ukol kay Patricia Hizon at kanyang mga gawain, mangyari lamang na puntahan at suriin ang msa sumusunod na pahina.

The Sportscaster Blog Ni Patricia

Ibang Artikulo Ni Patricia sa Takeaway.org

Interbyu Kay Patricia Ng Bembang.com

Sundan Si Patricia Sa Twitter