Kahit Sino » Sikat Ang Pinoy

Sikat Ang Mga Pinoy
Hinahangaan at talaga namang sikat ang Pinoy sa buong mundo dahil sa mga kagilagilalas at natatanging kaalaman at abilidad nating mga Filipino. Nakita na natin ang ilan sa mga ito. Andyan sina Manny Pacquiao, Efren Penaflorida, Arnel Pineda, Apl.De.Ap at marami pang iba na talaga naman nagpaangat sa ating lahing Filipino.

Bukod sa mga nasabing personalidad, narito pa ang ilan sa mga dahilan kung bakit natatangi at sikat ang Pinoy.

Sikat ang pinoy dahil sa ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming legguahe o uri ng pananalita. Ang pinakamalawak na ginagamit ay ang Tagalog.  Sa ngayon, mayroong 170 wika sa buong kapuluan. Ang pinakamalawak na ginagamit na uri ng salita ay ang Tagalog. Mahigit sa 80% ng populasyon ng Pilipinas ay ginagamit ang wikang Tagalog. Bagamat may mga pagkakaiba ng ginagamit na salita o wika, ang mga Pilipino ay nanatiling nagkakaisa at matatag sa anumang pagsubok na dumarating.

Ang mga Filipino ay malikhain. Nakita na natin ito sa mga ibat ibang mga klase ng laro n gating mga ninuno. Ang mga naturang laro ay ginagamitan ng pisikal at mental na abilidad. Hindi katulad ng mga ibang banyagang laro na ikaw ay nakaupo lamang, ang mga larong Pinoy ay tinuturing na isa sa mga pinakamasaya at magandang ehersisyo para sa katawan.

Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit natatangi, sikat ang Pinoy at talaga namang kinikilala ang mga Filipino. Kung mayroon kang nais idagdag o ipahayag, maari mo itong sambitin sa pamamagitan ng pagkokomento. Mangyari lamang na ipahayag ito sa wikang Tagalog.

Jessica Cox
Sikat ang Pinoy dahil sa kanya. Lahat ng Filipino ay marahil humahanga kay Jessica Cox. Si Jessica Cox ay isang Filipino-American. Siya ay isa sa mga pinakamahuhusay at talentadong piloto ng eroplano. At hindi lamang iyon, si Jessica Cox ay pinanganak na walang mga braso at kamay.

Marahil kayo ay nagtataka kung papaano nya nagawang magpalipad ng isang eroplano kung wala naman syang kamay. Ang ginagamit ni Jessica ay ang kanyang dalawang paa.

Nakakuha siya ng Sport Pilot certificate kamakailan lamang at siya ang naging kauna unahang lisensyadong piloto na nakapagpalipad ng eroplano gamit lamang ang mga paa.

Maraming mga banyagang humahanga sa angking determinasyon, tiwala sa sarili at anking talento ni Jessica Cox.

Marunong din si Jessica na mag swimming, mag tap dancing at mag gymnastics at ang lahat ng ito ay kanyang naisagawa gamit lamang ang mga paa. Sya rin ang kaunaunahang blackbelter ng American Tae Kwon-Do Association.

Ang pinakamalaking hamon para kay Jessica Cox ay hindi ang mga ordinaryong araw-araw na gawain na kailangan para sya ay mabuhay. Ang pag lalagay ng contact lenses, paglalaba at pagsusuklay ng kanyang buhok, at pag-aayos ng almusal sa umaga ay hindi problema para sa kanya.

Ang kanyang pinakamatayog na naabot sa kanyang buhay ay ang pagtanggap kung ano sya at kung anong meron sya. Ang pagtanggap sa kanya ng komunidad na kinabibilangan nya ay isa ring inspirasyon para sa kanya.

Isa lamang si Jessica na nagbibigay inspirasyon sa ating mga Filipino. Mabuhay ka Jessica! Dahil sa iyo, talaga naman sikat ang Pinoy sa buong mundo!.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol kay Jessica Cox, maari kayong tumungo sa http://rightfooted.com.

Kaya Natin Ito Ni Ogie Alcasid
Ito ay ang “Music Video” ng kantang “Kaya Natin Ito”.

Binuo ito ng 80 mangangantang Filipino para makatulong sa biktima ng kalamidad, partikular sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy At Pepeng. Ang tagalog na kantang ito ay kinompos ng sikat na Pinoy na si Ogie Alcasid at kanya ring inimbitahan ang lahat ng artista/manganganta na posibleng makatulong sa kantang ito. Kabilang sa makikita at maririnig rito ay sina Gary Valenciano, Martin Nievera at Leah Salonga.

Ito ay ipinalabas at inilunsad ng sabay sa ABS-CBN at GMA 7 sa ASAP09 at SOP.

Komposer: Ogie Alcasid

Direktor: Dante Nico Garcia

Musika: Jessie Lasaten

Disenyo ng Musika: Mike Idioma

<object classid="clsid:d27cdb6e-ae6d-11cf-96b8-444553540000" width="445" height="364" codebase="http://download.macromedia.com/pub/shockwave/cabs/flash/swflash.cab#version=6,0,40,0"><param name="allowFullScreen" value="true" /><param name="allowscriptaccess" value="always" /><param name="src" value="http://www.youtube.com/v/kic0acsSdyY&hl=en_US&fs=1&rel=0&color1=0x3a3a3a&color2=0x999999&border=1" /><param name="allowfullscreen" value="true" /><embed type="application/x-shockwave-flash" width="445" height="364" src="http://www.youtube.com/v/kic0acsSdyY&hl=en_US&fs=1&rel=0&color1=0x3a3a3a&color2=0x999999&border=1" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true"></embed></object>

Patricia Bermudez Hizon
Si Patricia Bermudez-Hizon ay isang kilalang tagapagbalita sa larangan ng palakasan, regular na host sa ilang kilalang palatuntunan sa telebisyon, at isa ring sikat na mamamahayag at manunulat, maging sa “online” na aspeto. Isa siya sa mga libo libong dahilan, kung bakit, Sikat Ang Pinoy, saan mang larangan.

Siya ang kauna unahang babaeng tagapagbalita sa radyo at telebisyon ng larong basketball dito sa Pilipinas. At magpasahanggang ngayon, siya lamang ang babaeng tagahatid ng balita sa radyo at telebisyon ukol sa mga pangyayari sa mga laro sa PBA. Una siyang nakita bilang courtside reporter ng PBA nuong taong 2003.

Makaraan ng isang season na pagbabalita at pamamahayag sa Radyo PBA, siya ay nabigyan ng oportunidad na maging ankor ng Philippine Basketball League nuong 2008 hanngang 2009, kung saan, siya ang naging kauna unahang babaing tagapagbalita sa nasabing liga sa historya ng telebisyon sa Pilipiunas. Siya rin ay ating nakita at narinig sa Fiba Asia Championships sa Solar Network – CS9 at Basketball TV.

Hanngang sa internet, ay atin siyang nakikita at nababasa ang kanyang mga kolum ukol sa mga larong pampalakasan. Siya ay aktibong gumagamit ng Twitter at palagiang nag susulat at nagbabalita sa pamamagitan ng kanyang blog at iba pang kolum.

Kinober rin ni Patricia Bermudez Hizon ang halos lahat ng laro sa Summer Olympic Games mula taong 2000, South East Asian Games, Asian Games at kanya ring sinubaybayan at ibinalita ang mga pangyayari sa Tour Pilipinas Multi Stage cycling events sa radyo at telebisyon.

Si Vince Hizon, na kanya ngayong asawa, ay nagpahayag sa kanya ng kagustuhang pakasalan ito sa basketball court, kung saan siya ay kasalukuyang nagkokober ng laro. Isa ito sa pinaka memorableng pangyayari sa kasaysayan ng PBA, na nasaksihan ng milyon milyong manonood at taga subaybay ng nasabing liga.

Nagsimula siya ng kanyang karera sa pamamahayag noong 1999 para sa istasyon na pagmamayari ng gobyerno, sa Philippine Television, at nag host ng ilang public affairs shows, nagkober rin ng ilang palabas na may kinalaman sa eleksyon. Siya rin ay nakita bilang host ng mga lifestyle shows at travel shows at mga dokyumentaryo para sa Lakbay TV, Isla Channel at Living Asia. Isa rin sa mga naging palabas niya sa telebisyon ay ang programang Venta 5 ng ABC.

Si Patricia Hizon ang nagtatag ng Everyday Is Your Birthday Foundation, at makailang beses na rin siyang nabigyan ng parangal at papuri sa kanyang mga aktibidad at organisasyong itinataguyod na naglalayong makatulong sa ating mga kababayan.

Si Patricia ay di maipagkakailang isa sa mga sikat na Pinoy na dapat bigyan ng rekognisyon sa kanyang mga gawain at aktibidad na nagbibigay tulong sa ating mga kababayan. Isa siya sa mga aktibong personalidad na masugid na tumutulong at sumusuporta sa mga proyektong pampalakasan, na naglalayong bigyan ng magandang buhay at malayo sa anumang bisyo ang mga kabataan.

Mabuhay ka Patricia!

Para sa karagdagang detalye ukol kay Patricia Hizon at kanyang mga gawain, mangyari lamang na puntahan at suriin ang msa sumusunod na pahina.

The Sportscaster Blog Ni Patricia

Ibang Artikulo Ni Patricia sa Takeaway.org

Interbyu Kay Patricia Ng Bembang.com

Sundan Si Patricia Sa Twitter

Allan Pineda A.K.A Apl De Ap Ng Pampanga
Si Apl.De.Ap o si Allan Pineda Lindo sa tunay na buhay ay isang Filipino-Amerikano hip hop na musikero, record producer at isa sa miyembro ng sikat na grupong Black Eyed Peas.

Maiksing Kwento Patungkol Kay Allan Pineda

Si Apl.de.ap ay isinilang sa Sapang Bato, Angeles City, Pampanga, sa Pilipinas noong Nobyembre 28, 1974. Ang kanyang ina ay isang Filipina at ama naman niya ay isang African American. Ang kanyang ama, isang US airman na naka base noon sa Clark Air Base. Iniwan sila ng kanyang ama  nuong siya ay pinanganak ng kanyang inang si Cristina Pineda. Si Allan at ang kanyang anim na nakababatang kapatid ay magisang pinalaki at tinaguyod ng kanilang ina. Dalawa sa kanyang mga kapatid ay yumao na: Si Arnel, na sinasabing nagpakamatay at ang kanyang bunsong kapatid na lalaki, Joven Pineda Deala, ay nasawi sa edad na 22 sa noong Pebrero 2009 sa Porac, Pampanga.

Noong kabataan niya, Si Apl ay gumugugol ng isang oras na paglalakbay mula bahay papunta sa paaralan at pabalik muli sa kanilang tahanan. Siya ay nakatulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka at pagbebenta ng matamis na patatas, mais, tubo at bigas.

Ang Pearl S. Buck Foundation ay isang organisasyon tumutulong at nangangalaga sa mga Amerasian na kabataan ang naunang tumulong kay Allan Pineda. Si Apl ay binigyan ng isang mabuting isponsor sa katauhan ni Joe Ben Hudgens. Una siyang nakaapak sa Estados Unidos sa edad na 11 upang matrato ang nystagmus, isang kapansanan sa loob ng mata.

Sa isang paglalakbay sa Disneyland, ipinahayag ni Apl ang kanyang interes na manatili at manirahan sa Estados Unidos. Ang pamilya Hudgens ay gumugol muli ng tatlo pang taon upang opisyal na maampon si Allan Pineda.

Impluwensya Sa Musika Ni Allan Pineda

Si Apl.De.Ap ay naiimpluwensyahan nina Stevie Wonder, The Eagles, The Beatles, A Tribe Called pithaya, De La Soul, Leaders of the New School at ang popular na bandang Filipino / katutubong grupo na Asin. Si Apl ay namulat sa hip-hop sa pamamagitan ng break dancing.

Ang Karera Ni Apl.De.Ap

Siya at si Will.I.Am ay bumuo ng isang break-dancing na grupo na tinawag nilang Tribal Nation at regular na nagtanghal sa mga lugar Southern California.  Mula 1992-1995, ang kanilang grupo ay pinangalanang Atban Klann (ATBAN ay kumakatawan sa a terrific “A Tribe Beyond a Nation”) at kasama sina MC Mookie Mook, Dante Santiago at producer DJ Motiv8. Ang Atban Klann ay nasa pangangalaga ng Eazy-E’s label, Ruthless Records ngunit sa pagyao ni Eazy-E, naging hudyat din ito ng pagbaba ng kanilang grupo.

Dinala at pinagmalaki ni Apl ang kultura ng Filipino sa kanyang pagsapi sa grupong Black Eyed Peas. Naibahagi niya ang kwento ng kanyang buhay Filipino sa kantang  “The Apl Song” sa album nilang ‘Elephunk. Sa kantang ito, may bahagi rito na lirikong Tagalog mula sa kanta ng grupong “Asin” na  “Balita.”

Kasama sa mga video na ito ang mga kapwa Filipino-Amerikano na sina Dante Basco at Chad Hugo. Ito ay isa ring pagkilala sa mga Pilipino na lumaban para sa US sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang kantang “Bebot”  ay isa pang purong Tagalog na kanta mula sa album na Monkey Business. Ang video nito ay nagtampok ng mga Pilipino, Filipino Amerikano at iba pang Asyano-Amerikano mula sa mga lugar ng Los Angeles. Ito ay unang inilabas sa Pilipinas at sa ilang bansa sa Asya.

Si Apl.de.ap , sa ngayon ay gumagawa ng isang solo album. Noong Enero 3, 2009, kinanta niya ang kantang You Can Dream na tampok sina Billy Crawford, mula sa kanyang album, sa pang tanghaling palabas na Wowowee. Noong Agosto, nilabas niya ang music video para sa kanyang ikalawang kanta na Mama Filipina.

Sinimulan ni Apl.de.ap ang Apl Foundation. Ito ay nakatuon sa pagbibigay tulong sa komunidad at sa mga bata sa loob ng Pilipinas at sa buong Asya. Siya rin ang nagsimula ng kanyang sariling musika kumpanya na tinatawag na Jeepney Music, Inc Ito ay kasalukuyang nakabase sa Silver Lake, Los Angeles, California. Ito ay kasalukuyang humahawak sa DJs tulad ng Free School, DJ Rockyrock, DJ Mia, at PoetNameLife.

Nag record muli si Apl.de.ap ng isa pang tagalog na kanta para sa ikalimang Black Eyed Peas ‘album, “Ang END”. Ang kanta ay may titulong  “Mare”.  Ngayong 2009, mayroon din siyang kanta na pinamagatang “Take You to The Philippines” na umako at nagbigay inspirasyon sa Pilipinas. Ang kanta ay nabuo sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Allan Pineda AKA Apl.De.Ap, mangyari lamang na tumungo sa mga sumusunod na pahina.

Apl De Ap Opisyal Na Pahina

MySpace Ni AplDeAp

Si Apl De Ap Sa Black Eyed Peas Na Pahina