You are here: Sikat Ang Pinoy » Sarita Carreon Sa China

Sarita Carreon Sa China

by Sikat Ang Pinoy on December 7, 2009

Si Sarita o mas kilala sa pangalang Sars ay isang Filipina (Pinoy) na naka base sa Beijing China. Isa siyang singer, modelo, dancer at artista. Isa siya sa mga kinikilala at tinatanging tagatanghal sa isang hotel sa Tsina.

Nagumpisa sya sa kanyang karera sa pagkanta nuong siya ay walong taong gulang pa lamang. Siya ay nag sanay sa Conservatory Voice in Concordia College’s School of Music at nag aral ng mga pop-lessons sa Center for Pop Music Philippines.

Sarita Carreon Sa China

Nagkamit sya ng mga karangalan sa larangan ng pagkanta noong sya ay edad 12 pa lamang. Nag umpisa rin rito ang kanyan karir sa mga konsyerto at doon nga, sya ay nadiskubre at nagkaroon ng mga malalaking kontrata sa pagkanta. Nakilala sya sa showbiz sa pangalang Cheliza Padilla.

Sa edad na labing apat, nagkaroon na siya ng sarili niyang album na inilabas sa buong Pilipinas. Kasama nya sa pagbuo nito sina Alex Catedrilla, Nonoy Tan, Mon Del Rosario, Alvin Nunez at Mandi Ferrer.

Sa edad 16, nagkaroon sya ng pagsasanay sa pagarte sa patnubay  ng mga artistang sina Bernardo Bernardo at Monique Wilson. Nagkaroon din siya ng mga komersyal sa telebisyon kasama sila Aga Mulach at iba pang artista.

Si Sarita ay kasal kay Marlou. Si Marlou ay miyembro ng “Tuesday Group” ng  That’s Entertainment noon. Sa edad na 20, Si Marlou at Sarita ay kinasal sa Hong Kong noong 1999, at sila ay nabiyayan ng isang magandang anak; si Selena Marie.

Si Sarita ngayon ay palagian pa ring nagtatanghal sa Beijing China kasama ang kanyang esposo. Dahil sa kanilang debosyon sa larangan ng musika at sa kagustuhang makatulong sa kapwa , itinatag nila ang “Pinoy Musicians Communitywebsite na sa ngayon, ay mayroon nang 5000 kasapi. Marami nang nakatagpo at nakahanap ng trabaho sa pamamagitan ng website na ito.

Nung mga nakaraang buwan, si Sarita at ang kanyang bandang URB ay nagsagawa ng ilang fund raising na pagtatanghal na kung saan, ang bahagi ng kanilang kinita ay ibinigay at ginawang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo dito sa Pilipinas. Patuloy din niyang itinataguyod at pinagmamalaki ang lahing Filipino sa pamamagitan ng kanyang angking talento sa pagkanta at pasayaw.

Mabuhay ka Sarita!

Para sa karagdagang impormayson tungkol kay Sarita at kanyang karir, tumungo sa mga sumusunod na website:

Sarita Youtube Channel
Blogspot Blog Ni Sarita
Professional Website Ni Sarita
Sundan Si Sarita Sa Twitter

{ 2 comments… read them below or add one }

Dang December 10, 2009 at 1:32 am

Mabuhay! Congrats Sars… you really deserves it…more power to your career!!!

Reply

Nastassia Simmone C. Olivar April 26, 2010 at 9:42 pm

Hi!

I work as a researcher for GMA 7’s Public Affairs program called OFW Diaries. Our team is going to Shanghai this Friday to cover the 2010 World expo and some other stories as well, we would like to know how we will be able to contact Ms. Sarita. We are interested to check on her story. Thank you!

Nastassia Simmone C. Olivar
nscolivar@yahoo.com

Reply

Leave a Comment

Spam Protection by WP-SpamFree

Previous post:

Next post: