You are here: Sikat Ang Pinoy » Lhey Bella Ralston Ng Cavite

Lhey Bella Ralston Ng Cavite

by Sikat Ang Pinoy on May 5, 2010

Si Lhey Bella Ralston ay isang Filipina na ngayon ay naninirahan sa  Kansas City. Siya ay isa nang sikat at kinikilalang singer sa Las Vegas. Nagtatanghal siya sa mga kilala at tanyag na mga hotels tulad ng Caesars Palace, Bally’s Hotel And Casino, Paris Hotel, M Resort, Startosphere at marami pang iba. Tunay ngang isa si Lhey Bella Ralston kung bakit sikat ang Pinoy sa larangan ng pag awit.

Lhey Bella Ralston

Nakapag konsyerto na rin siya sa Estados Unidos kasama ang mga kilalang mangaawit tulad ni Brix Ferraris at artistang si Gabby Concepcion.

Si Lhey ay naging propesyonal na mangaawit sa edad na 14. Siya ay naging miyembro ng mga ilang banda sa Cavite (lugar ng kanyang kapanganakan). Sila ay palagiang nag tatanghal sa Cafe Marcello sa Imus Cavite noong mga taong iyon.

LheyBella

Tuwing sasapit ang buwan ng Oktubre, naiikot nila ang buong Luzon para mag perform sa kadahilanang siya at ang kanyang banda ay parte ng Oktoberfest ng San Miguel Beer. Dito, nagkaroon siya ng maraming exposure at experience sa pag awit at pagtatanghal.

Noong taong 2001, si Lhey at ang kanyang banda ay pumunta sa Dubai UAE para maging isa sa mga performer ng Regent Plaza Hotel, Rocky’s Cafe!. Ang nabanggit na hotel ay isa sa mga paboritong lugar ng mga Filipino sa Dubai.

Makaraan ng ilang buwan, si Lhey ay nag pasyang umuwi sa Pilipinas para sumali sa isang patimpalak na may pangalang “STARQUEST” sa “MTB (Masayang Tanghali Bayan)” noong Marso 2003. Di siya pinalad na manalo sa nasabing patimpalak ngunit dahil sa angking galing at husay sa pagkanta, siya ay kinausap at kinuha ni Kuh Ledesma (lead judge sa nasabing contest) bilang isa sa mga talent nito.

Sa ilalim ng pag mamanage ni Kuh Ledesma, si Lhey Bella ay binigyan ng stage name na “REBEKAH” (Captivating sa Hebrew). Mula rito, naging sunod sunod na ang mga proyektong dumating sa kanya. Naging palagian na syang manganganta sa Ratsky’s, Virgin Cafe, Bagaberde at iba pang sikat na lugar.

Lhey Bella Ralston

Dito, naging kasabayan sa pagtatanghal ang grupo na MYMP, NINA, KYLA, SOUTHBORDER, SIDE A at iba pa. Nakapag tanghal na rin siya kasama sina Christian Bautista, Nyoy Volante, at Keith Martin. Sa panahong ito rin siya nakakuha ng recording contract under ng E-REAL RECORDS. Si Keith Martin ay nag produce ng 4 na kanta sa album ni Lhey sa naturang kontrata. Na i release ang unang single ni Lhey na na ifeature sa MTV ASIA. Ngunit, sa kadahilanang siya ay nag punta na ng America para sa mas malakihang proyekto, di na nairelease pa ang buong album niya.

Sa ngayon, si Lhey ay isa nang tanyag at kinikilalang artist sa Las Vegas at iba pang karatig lugar. Kasa kasama nya sa mga pagtatanghal at mga proyekto ang isa ring tanyag na pangalan sa Las Vegas na si Mr. Jonathan Potenciano.

Bukod sa pag awit, isa ring propesyonal na Photographer at Model si Lhey Bella Ralston.

Mabuhay ka Lhey! Patuloy mong itaguyod ang karangalan nating mga Filipino. Isa kang patunay na, kahit sino, kahit saan, sikat tayong mga Pinoy saan mang larangan.

Maari nyo pang makilala si Lhey Bella Ralston sa pamamagitan ng pagbisita sa mga sumusunod na links.


Leave a Comment

Spam Protection by WP-SpamFree

Previous post:

Next post: