Ito ay ang “Music Video” ng kantang “Kaya Natin Ito”.
Binuo ito ng 80 mangangantang Filipino para makatulong sa biktima ng kalamidad, partikular sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy At Pepeng. Ang tagalog na kantang ito ay kinompos ng sikat na Pinoy na si Ogie Alcasid at kanya ring inimbitahan ang lahat ng artista/manganganta na posibleng makatulong sa kantang ito. Kabilang sa makikita at maririnig rito ay sina Gary Valenciano, Martin Nievera at Leah Salonga.
Ito ay ipinalabas at inilunsad ng sabay sa ABS-CBN at GMA 7 sa ASAP09 at SOP.
Komposer: Ogie Alcasid
Direktor: Dante Nico Garcia
Musika: Jessie Lasaten
Disenyo ng Musika: Mike Idioma