You are here: Sikat Ang Pinoy » Jessica Cox

Jessica Cox

by Sikat Ang Pinoy on January 30, 2010

Sikat ang Pinoy dahil sa kanya. Lahat ng Filipino ay marahil humahanga kay Jessica Cox. Si Jessica Cox ay isang Filipino-American. Siya ay isa sa mga pinakamahuhusay at talentadong piloto ng eroplano. At hindi lamang iyon, si Jessica Cox ay pinanganak na walang mga braso at kamay.

Filipino Famous Jessica Cox In Business Attire

Marahil kayo ay nagtataka kung papaano nya nagawang magpalipad ng isang eroplano kung wala naman syang kamay. Ang ginagamit ni Jessica ay ang kanyang dalawang paa.

Nakakuha siya ng Sport Pilot certificate kamakailan lamang at siya ang naging kauna unahang lisensyadong piloto na nakapagpalipad ng eroplano gamit lamang ang mga paa.

Maraming mga banyagang humahanga sa angking determinasyon, tiwala sa sarili at anking talento ni Jessica Cox.

Marunong din si Jessica na mag swimming, mag tap dancing at mag gymnastics at ang lahat ng ito ay kanyang naisagawa gamit lamang ang mga paa. Sya rin ang kaunaunahang blackbelter ng American Tae Kwon-Do Association.

Ang pinakamalaking hamon para kay Jessica Cox ay hindi ang mga ordinaryong araw-araw na gawain na kailangan para sya ay mabuhay. Ang pag lalagay ng contact lenses, paglalaba at pagsusuklay ng kanyang buhok, at pag-aayos ng almusal sa umaga ay hindi problema para sa kanya.

Ang kanyang pinakamatayog na naabot sa kanyang buhay ay ang pagtanggap kung ano sya at kung anong meron sya. Ang pagtanggap sa kanya ng komunidad na kinabibilangan nya ay isa ring inspirasyon para sa kanya.

Isa lamang si Jessica na nagbibigay inspirasyon sa ating mga Filipino. Mabuhay ka Jessica! Dahil sa iyo, talaga naman sikat ang Pinoy sa buong mundo!.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol kay Jessica Cox, maari kayong tumungo sa http://rightfooted.com.

{ 3 comments… read them below or add one }

Nicely February 3, 2010 at 12:39 am

hey, ron! ayan ha, kahit di ako naglalagay ng blog roll sa main blog ko, nilagay pa rin kita. sana u’re happy na…

…lihim ni lola ang kapalit nun :)

Reply

Sikat Ang Pinoy February 3, 2010 at 12:47 am

Thanks a lot for the great help Nice.! Thanks again!

Reply

joshuastyles.com March 22, 2010 at 12:50 am

wow…amazing…hehe..kahangahanga ang pinoy…keep posting..hehe..napadaan lang po..

Reply

Leave a Comment

Spam Protection by WP-SpamFree

Previous post:

Next post: