Si Cristeta Pasia Comerford ay isang matuturing na bayani sa kadahilanang, itinaas nya ang kalidad nating mga Filipino sa larangan ng pagluluto. Siya ang White House Executive Chef mula pa noong 2005 hanggang sa kasalukuyan.
Isa itong malaking karangalan para sa mga Filipino lalo na sa mga kababaihan sapagkat si Cristeta Comerford ang kaunaunahang babae at Filipino na nailuklok sa naturang posisyon.
Si Cristeta Comerford ay ipinanganak sa pangalang Cristeta Pasia sa Sampaloc, Manila. Siya ay nag aral ng high school sa Manila Science High School. Nagkolehiyo siya sa University of the Philippines sa kampus ng Diliman Quezon City kung saan kinuha niya ang kursong major in food technology. Ngunit, sa kadahilanang siya ay nag migrate papuntang Estados Unidos, di niya natapos rito ang kanyang pagaaral.
Sa edad na 23, siya ay tuluyan nang nanirahan sa Estados Unidos. Dito, nakakuha sya ng kanyang trabaho. Una siyang nagtrabaho sa Sheraton Hotel. Pinamalas rin niya ang kanyang talento sa Hyatt Regency hotel. Makaraan ng ilang buwan, naisipan naman niyang lumipat sa Washington, D.C. kung saan muli siyang nakakuha ng trabaho bilang chef sa dalawang restaurants rito.
Ilang buwan pa ang lumipas at si Cristeta Comerford ay na recruit ng nuon ay executive chef na si Walter Scheib III sa taong 1995 upang mag trabaho sa Clinton White House.
Nang mag resign si Scheib bilang executive chef noong February 2005, si Cristeta Comerford ay na appoint ni First Lady Laura Bush bilang kaunaunahang babaeng White House executive chef noong August 14, 2005.
Isa sa mga nakitang dahilan kung bakit na appoint at napili si Cristeta Comefrod sa posisyong ito ay ang kanyang abilidad at kakayahang humawak ng isang malaking piging o salo salo nuong i honor nila ang Indian Prime Minister Manmohan Singh.
Noong January 9, 2009, ipinahayag ng pamunuan ni President Obama na si Cristeta Comerford ay hindi aalis at patuloy na magiging Executive Chef ng White House.
Si Cristeta Comerford ay napanood sa buong America at ibang bahagi ng mundo nang ipinalabas sa mga istasyon ng TV ang episode na Iron Chef America. Kasama niya rito ang ibang batikang chef tulad nina Bobby Flay na kanyang naging katambal sa episode na ito. Sila ay nakipagtunggali sa team nina Emeril Lagasse at Mario Batali. Sina Comerford at Flay ang nagwagi rito.
Sa kasalukuyan, si Cristeta Comeford ay naninirahan sa Columbia, Maryland kasama ang asawang si John at anak na si Danielle.
Si Cristeta Comerford Ng Maynila ay tunay na isang Sikat na Pinoy. Isa na rin siyang matuturing na makabagong bayaning Filipino. Itinaas niya ang lahi nating mga Filipino. Mabuhay ka Cristeta Pasia Comerford!.


